3.11.10

Bundat!

bundat n. 1 umbok, tambok, usli; 2 luwa

Bundat! 'Yan ang mapanglait na salitang inaayawan ng halos lahat. Kadalasang ginagamit ang salitang ito para ilarawan ang tiyan - isang tiyan na mas malaki kaysa sa normal. Sino nga ba naman ang gustong masabihan ng bundat? Kaya nga hit na hit sa ating mga Pilipino ang lahat ng paraan ng pampapayat - may mga tabletas, yogurt, bottled tea, slimming sessions, gym, liposuction, at kung anu-ano pa. At iyan na nga rin ang nagtuon sa mga product manufacturers na lagyan ang kanilang mga produkto ng mga salitang "Low fat", "Non-fat", "Less calories", "0% Trans-fat", at kung anu-ano pa ulit. At sasamahan pa 'yan ng wish sa bawat dasal na sana mabawasan kahit konti ang taba sa tiyan. Don't worry. Hindi ka nag-iisa!

So, anu-ano nga ba ang mga dahilan ng pagkabundat? Heto ang ilan:

Hereditary. Syempre unang-una ito sa listahan. Iyon bang tipong ipinanganak kang nakatadhanang lumunok ng bola. Destiny! Ang kagandahan lang dito, may mapagbabalingan ka ng sisi. E, sino pa kundi ang angkan mo. And at least, malaki na kaagad ang namana mo.

Negligence. Ito naman ang mga taong sinasabihan na "napabayaan sa kusina", mga taong waring bottomless ang tiyan, at mga taong kain ng kain kasi "trip" lang nila. Prevention? Tanggalin mo ang mga stock na pagkain sa kusina at sa refrigerator n'yo.

Carnivore. Ang mga taong kinalimutan na nakakain din ang mga prutas at gulay.

Broken-Hearted. Iniwan ni sweetheart? Sige! Ikain mo lang 'yan ng ikain!

New life. Kung sa mga nauna bilbil ang nagiging dahilan ng pagkabundat, ito naman bata na ang laman ng tiyan kaya lumalaki. Palaki ng palaki 'yan bawat araw. And after nine months, presto, wala na ang pagkabundat!

Wala namang problema sa pagiging bundat. Insecurity nga lang ang karaniwang inaalala ng isang taong bundat. At kung minsan, ang pagkabundat ay iniuugnay sa katamaran katulad na lang ng slogan noon ng mga taga-Quezon: "Walang tamad sa Quezon" ang nakasulat sa ibaba ng painting ng isang lalaking bundat.

At maraming mga teenagers na ngayon ang nabubundat dahil sa "new life". Anak ng patis! Sabagay, hindi na 'yan nakakapagtaka. 21st century na kaya! Pero kung babanggitin mo ito sa mga nakakatanda, marahil makakapagbilang ka ng libu-libong stars bago matapos ang mga sasabihin nilang mga pangaral, kwento, at babala. At sa mga kabataang Pinoy na nabuntis: Ayan kasi! Bakit hindi kayo nakapag-ipon ng pambili ng condom? At nasaan na ang sinasabing "abstinence"? Kung isa ka sa mga pabor dito, konti lang kayo. Heto ang pangkaraniwang mga pangyayari sa teenage pregnancy, Pinoy style:

Disappointment. Para ito sa guardians ng teenager na buntis. Syempre! Parang naglaho ang mga pangarap nila para sa kanilang anak. Asahan mo na rin ang mga takwilan moments. Normal lang 'yan.

Instant! Obvious naman na malaki ang magiging epekto ng pagkabuntis sa batang nabuntis. Tigil muna sa pag-aaral, goodbye na sa teenage life, dagdag responsibilidad at ang pagiging instant mommy.

Tagu-taguan. Sa part naman ng lalaking nakabuntis na hindi pa ready sa pagiging daddy, hide and seek ang drama.

Laglagan Sessions. At kung ang nabuntis naman ang hindi pa ready sa pagiging mommy, dito na magkakaroon ng cameo appearance ang mga maghihilot na nag-aagas. Sa dami ng ganitong mga kaso, pwede na nating isama sa in-demand jobs ng mga Pinoy ang pagiging mag-aagas. Ang pagiging murderer. Kawawang bata! Kung minsan pa pati pagpapaagas ay tinitipid pa ni buntis kaya sinosolo na lang ang paglalaglag sa bata. Idagdag pa natin ang mga fetus na nasa mga garapon ng palaman sa tinapay. Siguradong may matindi silang dahilan, pero may awa pa ba sila? Kung minsan pa, kasama ang buntis sa nalalaglag...mula sa building o di kaya naman e sa billboard. Aray! Leap of faith ba?

Pero kung ilalagay natin sa isang tabi ang mga masasamang epekto ng pagkabuntis ng kabataang Pinoy, meron pa rin namang mga magagandang nangyari. Look at the bright side nga daw naman. Unang-una, blessing 'yan! Maraming babae ang araw-araw nagdarasal para mabuntis. Kaya lang mukhang napalihis ang sagot sa mga dasal nila. At isa pa, karagdagan 'yan sa angkan! Para sa mga Pilipinong pamilyado, importante ang isang kapamilya. Isang boto rin 'yan pagdating ng eleksyon. 'Yon ay kung hindi sila nagtatakwil ng maagang nabuntis. At isa pa, good news ang mabuntis! At least, nalaman mong hindi ka baog. Di ba?

2 comments:

  1. Aray ko! tinamaan naman ako dito. haha. nice blog bro! keep it up!

    ReplyDelete
  2. Salamat sa pagbisita at sa hindi pag-ilag. :)

    ReplyDelete