
- Marami kang sim cards kaya hindi mo alam kung alin ang lalagyan ng load. 'Yan kasi. Suki ng lahat ng networks.
- Tinatamad kang mag-text. Marami pang mas importante at mas makabuluhang bagay sa mundo, 'di ba?
- Wala kang panahong mag-text. Masyado kang busy kaya kahit pagpindot hindi mo na maisingit sa schedule mo.
- Wala kang textmate o katawagan. Hindi mo binalak na idagdag ang pangalan mo sa listahan ng mga naghahanap ng ka-text sa dyaryo.
- Hindi ka makapag-register sa unlimited text o unlimited call. Bakit kaya?
- Wala kang natatanggap na importanteng text message at mga ganito lang ang nari-receive mo: "Gud morning gcng na." hanggang "Gud nyt tulugan na.", "Breakfast/ Brunch/ Lunch/Merienda/ Dinner kain na!", at iba pang mga pagbating hindi required ang mag-reply.
- Naiinis ka sa mga chain messages tulad nito: "Pass this to 15 people and you will receive a miracle after an hour." o kaya naman "Pass this to 15 people or a bloody ghost will visit you when you're sleeping.". Na-try ko na 'yan. Hanggang ngayon wala pa ring epekto. Kadalasan hindi ko lang pinapansin. Wala rin namang nangyari,
- Nagsasawa ka nang magpasa ng mga naghahabaang inspirational at love quotes. Kung minsan umaabot pa sa puntong *some text missing* dahil sa sobrang haba.
- Hindi ka makapag-reply sa mga text messages ng mga jejemon dahil hindi mo maintindihan at nahihilo ka na. Dhih bvahh phowzz???...jejeje.
- Kinakain ng paborito mong network ang load mo.
- Pinapadalhan ka lang ng kung anu-anong text messages, wallpapers, ringtones, themes, at iba pa. Pagkatapos babawasan ka ng load.
- Puro GM lang ang natatanggap mong text messages.
- Magkaaway kayo ng girlfriend/boyfriend mo.
- Wala kang boyfriend/girlfriend kaya hindi ka obligadong mag-text. Ang swerte mo!
- Wala kang mahanap na load outlet. Saang kweba ka ba sumuot?
- Malayo ka sa civilization kaya wala kang masagap na signal. Again, saang kweba ka sumuot?
- Wala nang karga ang battery ng cellphone mo. Toot toot toot...Battery empty.
- Nagtitipid ka. Cost-cutting! May financial crisis eh.
- Walang nagre-reply sa mga text messages mo. Para ka lang bumili ng megaphone at sumigaw sa tuktok ng bundok. O baka naman wala ring load ang mga ini-text mo.
- Wala kang mai-text kaya nae-expire lang ang load mo. Sayang maraming bata ang nagugutom. Ipakain mo ang cellphone load mo! Dali!
- At mas malala, ibang tao na nakiki-text ang nakikinabang sa cellphone load mo. Ang kakapal ng mukha!
- Sira ang keypad ng cellphone mo. O kaya naman 'yong LCD ang hindi nakikisama.
- Nako-conscious ka na ilabas ang cellphone mo dahil luma ang model nito. 'Yan kasi! Pangkaskas pa rin yata ng yelo ang gamit mo pang-text.
- Marami kang pwedeng hingian ng cellphone load. Para san nga naman ang Pasaload at Share-a-load?
- Walang laman ang load wallet ng tindera ng load.
- Nagpaload ka pero walang dumating na load sa cellphone mo. Ouch! Saklap naman! Either nagkamali ng pag-input ng number mo o naloko ka ng tindera ng load.
- Madalas kang nakakatanggap ng load kahit hindi ka nagpapa-load. Kaya hinihintay mo na lang na may magkamali ulit ng pag-input ng cellphone number nila at mai-input ang number mo. Presto! May load ka na! Wala pang gastos.
- May nagbibigay sa'yo ng pang-load, hinihintay mo lang dumating. Sosyal ka!
- Kulang pa ang pang-load mo. Sige go lang ng go! Ipagdasal mo na makumpleto 'yan bukas.
- Nag-iipon ka. Application lang 'yan ng Economics. Opportunity cost! Hindi ka man magka-load, may savings ka naman.
- Wala kang pang load.
- At ang pinakamatinding dahilan...wala kang cellphone. :)
Eh ikaw, ano ang reason mo? Bakit hindi ka naglo-load?
No comments:
Post a Comment