27.10.10

Langgam, Bitter Ka?

Grabe! Magulo ang naging SK at Barangay Elections. Medyo nangingibabaw ang ugong ng vote buying. At ang matindi pa, may narinig pa akong narco politics kung saan hindi na pera ang binibigay kapalit ng isang boto - drugs na! Naks naman! Ibig sabihin ba n'yan umaasenso na ang sistema ng dayaan sa botohan dito sa atin? Bukod pa d'yan, magpapahuli ba naman ang ating "kapamilya system"? The rule is plain simple. Kapag nasiyasat mo (hanggang sa kung saang level ng consanguinity na naabot ng pag-iisip mo) na kamag-anak mo ang isang kandidato, iyong kandidato na 'yon dapat (?) ang suportahan at iboto mo. At kapag hindi mo ito ginawa, matatawag kang isang traydor. Hmmm...nice one! Parang mga langgam lang pala tayo kung ganon. May mga itim. May mga pula. Kung ano ang kulay mo, nandoon ka dapat. Kaya naging norm na sa ibang mga kumakandidato na i-print sa mga posters nila ang kumpletong pangalan nila. First name. Middle name. Surname. Kumpleto lahat ng sangkap. Kung pwede nga lang sanang isama pati mga apelyido ng mga taong pwedeng iugnay sa kanila, baka ginawa na nila. At idagdagan pa natin ang bait-baitan effect. Ang saya. Daming friends. Buong neighborhood. Dami pang gifts. Tinalo pa ang FarmVille.


Basahin mo na lang ang usapang narinig ko:
"Ano ba naman sila?! Pinsan pa naman natin sila! Bakit hindi sila sumuporta sa atin. Magaling lang sila kapag may kailangan. 'Wag na 'wag silang makakahingi ng favor sa atin."

"Bakit? Kapag kamag-anak ba, dapat sa atin na ang suporta? Kaya nga may freedom to vote di ba? Karapatan nilang mamili ng gusto nilang iboto. Desisyon nila 'yon."

"'Yon na kasi ang nakasanayan!"

Yeah right! Bitter ba ang mga langgam?

No comments:

Post a Comment