2.11.10

Cellphone noong 1928?

Ok. Habang itinatayp ko ito, binabalita sa TV ang isang video na kumakalat sa internet. Ang video ay mula sa premier(?) ng show ni Charlie Chaplin noong 1928. Laman ng video na ito ang isa umanong babaeng gumagamit ng cellphone! Naks! May cellphone na siya noon? Naunahan pa n'ya ang invention na unang cellphone ng Motorola noong 1973? At ang mas matinding tanong: May signal kaya s'yang nasasagap? Haha. Kaya naman maraming nagsasabing ang babae sa video ay isang time traveler. "Back To The Future" ba ang drama ni lola? Baka naman naligo s'ya sa "Bath Tub Time Machine"? Pero baka naman nasakit lang ang tenga n'ya, o kaya naman baka nako-conscious s'ya na baka malaglag ang hikaw n'ya, o kaya naman napasukan lang ng ipis ang tenga n'ya, o kung anu-ano pang mga posibilidad. Nagkakagulo. Nagtatalo. Nalilito. Ano sa tingin n'yo? Tingnan n'yo na lang ang video after the jump.

JUMP!!!

Ehem...HIndi kasya 'yong frame ng video dito sa post section eh. Heto na lang ang link: Pindot! Enjoy the mystery. :)

No comments:

Post a Comment