21.4.11

Huwebes Santo



Wan: Pare ano nga bang Ingles sa Mahal na Araw?
Tu: Semana Santa, pare.
Wan: English nga, eh. English.
Tu: Eh di...Holy Week. Hina mo naman, eh.
Wan: Ano bang tagalog sa "week"?
Tu: Linggo.
Wan: Eh bakit "Mahal na Araw"?
Tu: Aba, ewan. Leche!

---

Oooopppsss...! Pasensya nga pala sa matumal kong posts...sa mga comments na walang reply...sa ini-stalk kong blogs na hindi ko na mabisita...atbp. Mahirap maging cute...peksman!

500...1000...1500...2000...2100...2200...2300...2320! Kung isasali ang sampum piso ko sa bulsa, bale P2, 330 ang dala kong pera. Isinuksok ko ulit ang wallet sa likurang bulsa at inibutones para nakaw-proof. Dumaan ako sa gilid ng simbahan papunta sa likuran. Habang nag-eemote ang mga mata ko sa reflection ng sikat ng araw, may biglang nagsalita. "Totoy!" Hindi ko sinundan ang boses. Sa dami ng totoy sa mundo, bakit ako lilingon? Sayang ang effort. "Totoy!" OK, sige na nga lilingon na ako.

Ako nga ang tinatawag ng matandang babae. Nakasuot siya ng checkered polo at leggings. May bakal na tukod na may apat na paa pero dalawa lang ang may goma. Nakaupo malapit sa isa sa mga haligi ng lugar at may hawak na plastik. Mukhang ordinaryong tao lang na nakikipag-chat kay Papa God. "Mamamalimos ako sa'yo." Nabibingi ba ako? Sa get-up nya, pwede na nga siyang commercial model ng Arthro. "Ano po?" Makalapit para mas malinaw. "Mamamalimos ako." Ganoon talaga ang pakinig ko. Ang hina kasi ng boses ni lola. Parang nagtsitsismis lang ng buhay ni PNoy.

Kinapa ko ang bulsa ko para makuha ko ang sampum pisong barya. Kanan...wala. Kaliwa...wala. Likod...wala rin. "Wala po akong barya, eh. Pasensya na po." Naisipan kong ibigay ang P20 sa wallet ko nang mapagmasdan ko ang hawak n'yang plastik. Kulay puti. Red ang design. May drawing na echoserang bubuyog na bumabagabag sa isipan ko noong bata pa ako. Walang duda...si Jollibee nga!

Sige nga. Sino sa mga customers ng Jollibee ang mamamalimos pagka-order? Ohah! Pero nang mapansin ni lola na nakatitig ako sa pagmumukha ng bubuyog, nagsalita ulit siya. "Binigay 'to sa'kin ng isang Ale. Natuwa nga ako at may pagkain na ako." Kung ako ang makakatanggap ng Burger Yum at Jolly Spaghetti ng libre galing sa hindi ko kilala, maligaya ako hanggang bukas. "Kung wala ka namang maibibigay ay ayos lang. Salamat." Tinanggal ko ang butones. Hinugot ang wallet. Kinuha ang P20 at iniabot sa matanda.

Ano bang mararating ng P20? Syempre, isang Cornetto ice cream. Pero nang tanggapin ni lola ang pera, bigla s'yang umiyak. Ito 'yong part na hindi ko ma-gets. 'Di ba dapat nagpa-partey-partey na s'ya? Hindi ko pa nae-experience ang tears of joy. Kung magiging Big Winner ako sa PBB, baka sakali pa. "Salamat. Salamat. may pambili na ako ng gamot." Nagpikit siya at tumungo. Nagwika ng mga salita na pabulong. Kinabahan ako. Simula ng mapanood ko ang Season of The Witch, umiiwas na ako kapag may nakita akong mouthing of words.

"Ipinagdarasal kita. Lahat ng nagbibigay sa kapwa ay may nakukuhang mas malaki. Totoo 'yon!" Weh! 'Di ka sure. Bago umalis ang matanda, ipinahili muna n'ya sa isa pang matanda ang Jollibee meal n'ya.

---

Kahit paano, inasahan ko pa rin ang good Karma. Sumakay na ako ng jeep at...Ting! Nag-cameo appearance ang sampum piso kong kanina ko pa hinahanap. Nasaan ka noong mga oras na kailangan kita?! Nasaan?! Bumaba ako sa terminal. Nag-take-out sa isang Chinese restaurant matapos akong ugatan. At sumakay sa bus. Doon ko na kinain ang aking tanghalian.

Nag sound trip ako sa byahe at biglang may umistorbo sa pag-eemote ko. Kinuhit ako ng kundoktor. "Saan ka, boy?" Sinabi ko kung saan ako pupunta at iniabot ang isang papel na kulay ube. Habang ibinibigay ko ang bayad, nag-overtake ang bus at lumakas ang hangin. Poof! Nagkapakpak si Manuel Roxas ko kasabay ng mga umepal na alikabok na pumasok sa aking mata. Hindi ko namalayan kung saan tumakas si Manuel Roxas. Idiot! At 'yong kundoktor, hindi agad na-absorb ang nangyari. "Totoy, hanapin mo na. Sa ilalim sa may unahan napapunta." Nag-offer ang katabi ko ng space para makadaan ako. "'Wag na po. Mahirap po. Masikip, eh." Syempre, nangibabaw na naman ang pride ko. Hindi ko ma-imagine na gagapang-gapang ako sa gitna ng tumatakbong bus para maghanap kay Manuel Roxas. At isa pa, sa dami ng mga pasahero baka naitago na ng isang kamay ang perang lumipad. "Sayang. Isang Daan 'yon, aba! Walang kwenta naman ang konduktor na 'yon!" Sabay nguso sa naniningil ng bayad. At mas naghinagpis pa nga s'ya. Tumitig na lang ako sa labas at nakiramdam kung sisingilin ulit ako ng konduktor o maaawa siya sa akin. Good Karma...yeah right!

Five...Ten...Fifteen...Ilang minuto rin ang lumipas nang magtama ang mga mata ko at ng konduktor. Balak na yata n'ya akong singilin nang itaas ng katabi ko ang kanyang kanang hintuturo para ipaalala ang umeksenang P100. Ipinaikot-ikot niya ang kanyang daliri na parang sinasabi sa konduktor na: "Hanapin mo sa paligid, engot!" Tumungo ang konduktor. At makalipas ang 48 years, tumayo na siya na nagfla-flash ang nablankong space ng ngipin...iwinawagayway (nabubulol ako dito, shet!) ang ubeng papel. Mas naligayahan ang katabi ko sa nakita.

Iniabot ng konduktor ang sukli ko na ang tumanggap ay ang katabi ko. At ibinigay niya sa akin na mahigpit ang hawak. Baka kasi si Sergio Osmena naman ang magkapakpak. Ang katabi ko ang pumapel na parang tatay ko. Salamat sa kanya. At nagbalik sa isip ko ang good Karma. Tinetesting lang yata ako ni Papa God, eh. And I learned my lesson. Obvious naman, eh.

"Huwag kang kakain ng Pork Chao Fan at Bola-Bola Siopao kapag Huwebes Santo." Pak!
- Batang Reklamador

2 comments:

  1. Punta ka sa blog ko at may libreng pagkain!

    http://barttolina.blogspot.com/

    ReplyDelete
  2. nagpunta na'ko. wala namang free food. JK! Salamat sa pagbisita btw. :)

    ReplyDelete