23.12.10

To Be Continued...

sa may bahay
ang aming bati
meri krismas
nawawalhati
ang pag-ibig
pag syang naghari
araw-araw ay magiging pasko lagi
ang sanhi po ng pagparito
hihingi po ng aguinaldo
kung sakaling kami'y purwisyo
pasensya na't kami'y namamasko

we wish you a meri krismas
we wish you a meri krismas
we wish you a meri krismas
and a hapi new yir

kay sigla ng gabi ang lahat ay kay saya
nagluto ang ate ng manok na tinola
sa bahay ng kuya ay merong pichunan pa
ang bawat tahana'y may handang iba't iba
tayo na giliw
magsaliw na tayo
meron na tayong
tinapay at keso
lebanoche buena sa gabing ito
at bukas ay araw ng pasko

Ito nga pala ang set list ng nangaroling kanina. Walang silang pinupukpok na mga lata ng gatas. Hindi rin sila nag-effort magpitpit ng mga tansan ng coke. In short, wala silang dalang improvised instruments. Dinaan na lang sa talent - beatbox na sinabayan ng pumapaltos na lyrics. Buti na lang hindi ito Singing Bee.

21.12.10

Huling Pantasya

Ito ang mga naganap sa istorya ng buhay ko kahapon bilang isang patatas sa sofa:

8:15am - Kagigising lang. Kain ng almusal.

8:30am - Higa ulit. (Walang pasok, e.) PSP mode.

12:30pm - Tanghalian. Medyo natagalan dahil sa nagpapansin na tinik ng isda na nakisiksik sa mga ngipin ko.

1:10pm - Balik sa PSP mode.

3:30pm - Merienda (habang naglalaro ng PSP). O ha! Multi-tasking.

5:45pm - Binigyan ako ni mudra ng babala: "Itigil mo na 'yang pagtitig sa PSP at nalubog ang araw. Masisira ang mata mo.". Hindi naman siya nakapagbigay ng scientific explanation na hinihingi ko kaya tuluy-tuloy pa rin ako sa paglalaro.

19.12.10

Ampon?

Dalawang linggo. Huling nakatikim ang blog na ito ng bagong post dalawang linggo na ang nakakaraan. Dalawang linggo na mula nang gumawa ako ng isang poll. Dahil feel na feel ko naman na malakas ako kay Papa God, hinayaan Niyang mauto ko ang dalawang tao na makilahok sa poll. (Tenkyu nga pala!) Pero naging mahirap pa rin ang kinalabasan. 50/50. Anak ng Tanging Ina! Pero kahit ganon I love you pa rin, Papa God!

Kaya naman naisipan kong magpalit ng banner. Christmas theme ang binabalak kong gawin pero ganyan ang kinalabasan dahil sa kung anu-anong natuklasan ko sa potosyap. Ayan tuloy, napa-OA. At halata namang hindi ko sinukat.

Sa dalawang linggo ng aking pananahimik ay titirisin ko na ang kutong matagal nang nag-aalay-lakad sa ulo ko. Nagsimula ito sa isang pageant na tawagin na lang nating Mr. & Ms. Churva.

29.11.10

Floral Confusions


"Ang ganda ng bulaklak n'yo. Parang plastic!"

Manghang-mangha pa ang bisita nang makita niya ang mga pulang bulaklak ng anthurium sa may gate ng aming bahay. At pagpasok sa loob...

"Ay! Ganda naman ng mga artificial flowers mo sa vase. Mukhang totoo!"

Dahil dito, napilitan akong paikutin muli ang mga kinakalawang na gears sa loob ng ulo ko. Hindi ko pa man nalalaman kung gatas na choco o choco na gatas ang Bear Brand Choco, may kalituhan na namang papasok sa istorya ng buhay ko, Ate Charo. At bigla kong naisipan na tanungin ka. Oo ikaw nga! Hindi si Charo Santos! Answer the poll after the jump.

26.11.10

12:15

Eksakto twelve noon na! Para akong ini-stalk ng limang bakang ulol sa aking paglalakad palabas ng subdivision. Baka kasi ma-late na naman ako sa 1:00pm kong klase. Pagkalabas ng gate, agad akong nagpwesto sa pinakamalapit na waiting shed. Para akong pumasok sa malaking oven. Ang banas! Isang minuto. Tatlo. Lima! Aba, teka! Bakit ang tagal dumaan ng mga kumakarag na dyip? Kadalasan naman, mabilis pa sa bibig ni Melai Cantiveros ang paghihintay ko ng jeep. Pinag-aagawan agad ang kakyutan ko ng mga drayber na uhaw sa pasahero. Nasan na sila? Sana lang pwede akong tumawag ng private jet para makaabot ako sa pagsisimula ng klase ko. Magkano ba ang arkila ng jet?

25.11.10

Bag

Lunes. Nagmamadali ako sa pag-aayos ng mga gamit ko kasi late na ako nang biglang...Brrzzt! Anak ng kikiam na hilaw, nasira pa ang zipper ng bag kong maganda. Sabagay, pwede na yata itong i-display sa museum dahil matagal-tagal ko na rin itong ginagamit. Simula pa noong 3rd high school pa lang ako, sidekick ko na 'tong grey na sling bag ko. Nagpapalit naman ako ng iba pero hindi ko alam kung bakit patuloy kong ginagamit ulit ang bag na ito.

Sinusubukan kong ayusin ang sira nang may napansin akong 25 cents sa isang bukas na bulsa ng aking bag. Agad kong kinuha at ginawa kong mini flying saucer at tinapon sa labas ng bahay. Saan nga ba makakarating ang bente-singko sentimos sa panahong ito. Nababakas ko sa harap ng bag ang mga pekas at mga mantsa. Mantsa mula sa tumalsik na ketchup ng piniritong itlog. Mantsa mula sa tumulong sauce ng fish ball. Mantsa mula sa natunaw na ice cream. Mga mantsang kahit gamitan ng pinakamagaling sa mga nagsasapawang mga brands ng sabong panlaba ay may matitira pa ring marka. Meron ding mga lamuymoy ng mga sinulid na dulot ng aking kalikutan. Marahil ay napasabit sa nakausling ulo ng pako o di kaya naman ay nasobrahan na sa gamit kaya kapansin-pansin na ang kalumaan. Napansin ko rin ang dalawang maliit na butas na gawa naman ng kinalawang na karayom ng isang button pin na may nakalagay na "Pogi ako!". Pwede pa namang gamitin. Pero bakit ko naman ito pagtatiyagaan?

20.11.10

Cinema Buddies

Phew! Halos buong araw ko yatang kinukumbinsi ang mga B.I. kong friends (ay nilaglag) na samahan akong manood ng movie sa halip na magnomo. At ang pinipilit kong movie? Drum roll please...Megamind. Nyek! Pambata. Mapapalitan na kasi ito ng Harry Potter and the Mahiwagang Bibe...este Deathly Hallows pala. Buti naman at gumagana pa rin ang aking charm at napapayag ko sila. Enjoy naman kami. At habang nanonood, marami rin akong nakilala sa loob ng sinehan. Heto ang ilan:

14.11.10

Bulilit Kulitans

Weekend. Wala akong magawa sa bahay kaya pinili ko na lang makipag-bonding sa pamangkin ko sa pinsan. Makulit. Matanong. Madaldal. Ayos! Okey 'tong bulilit na 'to. Malaki ang tyansang hindi boring ang araw ko.

13.11.10

Bangungot

Bzzzt! Bzzzt! Parang tunog ng barena. Bzzzt! Heto na naman. Nararamdaman kong nanginginig ang buo kong katawan. Pinipilit ko pero hindi ako makagalaw. Hinihirap ako sa paghinga. Hanggang sa nagising ako. Panaginip lang pala at nakahiga ako sa carpet ng kwarto ko sa baba ng kama. Hinahabol ang paghinga. Ang weird! Bakit ako nandito?

7.11.10

Miss, Earphone Nga!

Nagsasagip ako noon ng mga naglalangoy na cereals sa malamig na gatas nang bigla kong maisipang mag-soundtrip. Ayos! Makakapag-emote ako habang nanguya ng pambatang cereals. Binuhay ko ang PSP at ipinasak ang dalawang earphone sa magkabilang tenga. Handa na akong ihampas sa hangin ang aking ulo pero wala akong marinig na tunog. Ano ba 'yan? Nalumod ko muna ang nginunguya ko bago ko na-realize na sira na naman pala ang earphone ko. Hay buhay! Ganito talaga siguro 'pag hindi orig. Madaling masira.

No way! Hindi ako makakatiis na walang music sa isang araw ng buhay ko. (Yeah, drama mo boy!) Kaya kinahapunan, kahit mainit-init pa ang pwetan ko galing sa klase ay dumiretso na ako agad sa mall. Swerte namang may natanaw kaagad akong earphone sa isang tindahan ng laruan. Sakto pa't kahanay ng mga PSP. Tinitigan ko muna ang earphone na nahaharangan sa isang nakakandadong salamin.

6.11.10

Ang Suki Ni Aling Pimple

Ang ganda ng gising mo! Medyo may hangover ka pa sa panaginip mo pero pinilit mo nang bumangon para maghilamos. Tumingin ka sa salamin nang biglang... Oh shet na malagket! May pimple na sumulpot!

Pimple. Zit. Tagihawat. Punggod. Tigidig kung tawagin kapag dumami. Maraming mga Pilipino ang problemado dahil dito. Kadalasan sa mga teenagers. Marami siguro ang sasang-ayon kapag binansagan natin itong "Public Enemy No.1". Sa dinami-daming masasamang resulta ng pimples, heto ang ilan:

Saang Kweba Nagtago Si JT?

Teka teka! Sino nga ba itong nawawala na itinago ko sa initials na JT? Si Justin Timberlake? Hmmm...mali! John Travolta? James Taylor? Mali pa rin. JRR Tolkien? Ooops! Hindi pa rin. Sirit na? Kung sila ang naiisip mo, malayo ka sa tamang sagot. Dahil ang JT na gusto kong hanapin ay taga Pilipinas pero hindi ko lang sure kung ipinagmamalaki siya ng mga Pinoy. Sige na nga. 'Wag na nating patagalin pa. Ang tinutukoy kong JT ay walang iba kundi sa Juan Tamad! Kung hindi mo siya kilala, magtaka ka na kung sa lupa ka pa ba ng Pilipinas nakatapak. Pero sige para may konting background checking. Si Juan Tamad ang lalaking bumibida sa ilang folklore at jokes ng mga Pinoy na kilala sa kanyang pagiging, well, tamad. Ang kanyang mga istorya ay karaniwang binabalot ng katatawanan. Hindi talaga Tamad ang apelyido n'ya. Pero alam mo naman dito sa Pilipinas, lahat halos ng tao may codename o alyas 'pag dumating ang oras ng kulitan at asaran.

Pwede siguro nating ikumpara si JT kay Tom Sawyer pagdating sa adventures. Sa unang basa ng mga pakikipagsapalaran niya, matatawa ka. Sa ikalawa, siguro magagawa mo pang ngumiti. Sa ikatlo, pwede na siguro ang ngiting-aso. At sa ikaapat, lima, anim, pito, walo...siguro ay wala ka nang reaksyon. Nagsawa na nga ba ang Pinoy sa istorya ni JT kaya maraming mga bata sa ngayon ang hindi siya kilala? Pero kahit ganoon, pwede pa naman siguro nating mahanap si JT. Dahil sa panahon ngayon, maraming mga tulad ni JT!

3.11.10

Bundat!

bundat n. 1 umbok, tambok, usli; 2 luwa

Bundat! 'Yan ang mapanglait na salitang inaayawan ng halos lahat. Kadalasang ginagamit ang salitang ito para ilarawan ang tiyan - isang tiyan na mas malaki kaysa sa normal. Sino nga ba naman ang gustong masabihan ng bundat? Kaya nga hit na hit sa ating mga Pilipino ang lahat ng paraan ng pampapayat - may mga tabletas, yogurt, bottled tea, slimming sessions, gym, liposuction, at kung anu-ano pa. At iyan na nga rin ang nagtuon sa mga product manufacturers na lagyan ang kanilang mga produkto ng mga salitang "Low fat", "Non-fat", "Less calories", "0% Trans-fat", at kung anu-ano pa ulit. At sasamahan pa 'yan ng wish sa bawat dasal na sana mabawasan kahit konti ang taba sa tiyan. Don't worry. Hindi ka nag-iisa!

So, anu-ano nga ba ang mga dahilan ng pagkabundat? Heto ang ilan:

2.11.10

Cellphone noong 1928?

Ok. Habang itinatayp ko ito, binabalita sa TV ang isang video na kumakalat sa internet. Ang video ay mula sa premier(?) ng show ni Charlie Chaplin noong 1928. Laman ng video na ito ang isa umanong babaeng gumagamit ng cellphone! Naks! May cellphone na siya noon? Naunahan pa n'ya ang invention na unang cellphone ng Motorola noong 1973? At ang mas matinding tanong: May signal kaya s'yang nasasagap? Haha. Kaya naman maraming nagsasabing ang babae sa video ay isang time traveler. "Back To The Future" ba ang drama ni lola? Baka naman naligo s'ya sa "Bath Tub Time Machine"? Pero baka naman nasakit lang ang tenga n'ya, o kaya naman baka nako-conscious s'ya na baka malaglag ang hikaw n'ya, o kaya naman napasukan lang ng ipis ang tenga n'ya, o kung anu-ano pang mga posibilidad. Nagkakagulo. Nagtatalo. Nalilito. Ano sa tingin n'yo? Tingnan n'yo na lang ang video after the jump.

1.11.10

Bakit Hindi Ka Naglo-Load?

Siguro naitanong mo na ito sa iba o kaya naman ikaw ang tinanong nito. Bakit nga ba walang cellphone load ang isang tao? Heto ang mga dahilang naiisip ko:

  1. Marami kang sim cards kaya hindi mo alam kung alin ang lalagyan ng load. 'Yan kasi. Suki ng lahat ng networks.
  2. Tinatamad kang mag-text. Marami pang mas importante at mas makabuluhang bagay sa mundo, 'di ba?
  3. Wala kang panahong mag-text. Masyado kang busy kaya kahit pagpindot hindi mo na maisingit sa schedule mo.
  4. Wala kang textmate o katawagan. Hindi mo binalak na idagdag ang pangalan mo sa listahan ng mga naghahanap ng ka-text sa dyaryo.
  5. Hindi ka makapag-register sa unlimited text o unlimited call. Bakit kaya?
  6. Wala kang natatanggap na importanteng text message at mga ganito lang ang nari-receive mo: "Gud morning gcng na." hanggang "Gud nyt tulugan na.", "Breakfast/ Brunch/ Lunch/Merienda/ Dinner kain na!", at iba pang mga pagbating hindi required ang mag-reply.

"Google Translate", What The?!

As I am writing this blog post, I already have five other posts published in Filipino. Then when I tried viewing my blog, a message on the top page pops up that reads: "This page is in Filipino. Would you like to translate it?". For the sake of curiosity, I clicked "Translate" and all I saw was damn nonsense. Everything was messed up. The English grammar was wrong. The meanings of some lines have changed. And some Filipino words seem to be out of Google Translate's vocabulary that these words remained unchanged. That's why I wrote this post in English. Wala lang. Trip lang. For a change. :) I just wonder how Google Translate will...err translate a Jejemon's  blog.

31.10.10

Trick or Treat?

Happy Halloween! Kasali ka ba sa cosplay? Anong costume mo? Kung naranasan mo nang may kumatok na bata sa pinto ng inyong bahay at nagtanong ng "Trick or Treat?", masasabing kong maswerte ka. Mas maswerte ka kung naranasan mong magsuot ng costume at kumatok sa bawat bahay para mangolekta ng candies at chocolates noong bata ka pa. Dahil hindi lahat naranasan yan. Dahil maraming walang pambili ng pagkain at iba pang necessities. Halloween costume pa kaya?

30.10.10

The Real Scam Behind 'Power Balance' ?

Last quarter ng 2009 umugong ang mga usap-usapan tungkol sa isang bracelet na nagpapalakas (daw) ng natural energy ng isang taong magsusuot nito dahil sa hologram na nakakabit dito. Kung gusto mo pa ng ibang impormasyon, i-Google mo na lang. May mga naniwala base na rin sa mga tests na ginawa nila. At meron din namang mga taong hindi nagpapaapekto at matatag na naniniwalang panloloko lang ang bracelet na ito. Pero kung inaakala mo na gumawa ako ng post na ito para sabihin ang opinyon ko tungkol sa isyu, nagkakamali ka. Kung totoo man o hindi ang sinasabing epekto ng Power Balance, bahala na sila. Bahala na kayo.

So kung mananahimik ako sa isyu ng Power Balance, siguro itatanong mo kung para saan pa ang post na ito. Ang sagot: piracy! Kung bibisitahin mo ang official website ng Power Balance at titingnan ang mga presyo ng kanilang mga produkto, mapapansin mong ang isang bracelet ay nagkakahalaga ng kulang-kulang $30. Pwede kang umorder sa kanila, at pwede ka din namang maghanap ng online seller sa Facebook na nagtitinda ng parehong bracelet. Ang standard price nila? P100! Pero kung mahilig kang maggala sa mga kalye, marahil napansin mo na meron ding mga ganitong produktong ibinebenta ang mga sidewalk vendors. Parehong-pareho. Iba't iba rin ang mga kulay. May mga kwintas din. Pati boxes gayang-gaya. At ang presyo? P50 lang! Grabe ang laki ng pagkakaiba. Kaya kung manloloko man ang mga gumawa ng Power Balance, may nanloloko din sa kanila - ang mga pirata.

28.10.10

Is This Part Of The Story?

Last weekend naisip kong mag-movie marathon. Iba't iba a ng pinanood ko. May tagalog films. May foreign. Kung ano ang available na hindi ko pa napapanood,  'yon na lang. Habang nanonood ako, may bigla akong napansin sa mga movies ng Pinoy. May advertisement?! Oo. OK lang naman na magkaroon ng konting product promotions sa kalagitnaan ng palabas, pero 'wag naman sana gawing masyadong obvious na parang may isiningit na TV ad sa istorya. 'Pag sa foreign films naman konting exposure lang ng brand name, OK na. 'Yong mga tipong iinom ng softdrinks 'yong bida sabay pakita sandali ng brand ng softdrinks o kaya naman mahahagip ng kamera ang billboard ng produkto sa isang setting ng pelikula. Ayun. Advertisement na 'yon. Pero hindi nakakaapekto sa pinapanood na pelikula. E, 'yong sa Pinoy kaya? Lantaran ang mga patalastas. Ang tagal pa kung minsan dahil nagpapaka-informative pa ang mga tauhan sa pelikula tungkol sa produktong isiningit sa storyline. Mapapaisip talaga ang mga manonood kung parte ba ng istorya ang napapanood nila o kung 'yong pelikula pa ba ang pinapanood nila. Ang mas masama pa n'yan, kadalasan hindi lang isang product advertisement ang isinisingit. Ikakalat lang sa buong movie at (presto!) solve na ang indirect advertisement. Cost-cutting ba ang mga movie producers at kailangan pa nilang i-emphasized ang mga ito? At kung hindi ka mahilig sa movies, buksan mo na lang ang TV mo at manood ng mga teleserye ng mga local channels. Mapapansin mo din ang sinasabi mo. Ganoon din ang istilo. Sige. Sabihin na nating part 'yon ng profit maximization nila. OK lang naman kung tutuusin pero kung minsan, nagiging annoying na. Lalo na kung medyo napapasobra na. Sayo OK lang ba?

27.10.10

Langgam, Bitter Ka?

Grabe! Magulo ang naging SK at Barangay Elections. Medyo nangingibabaw ang ugong ng vote buying. At ang matindi pa, may narinig pa akong narco politics kung saan hindi na pera ang binibigay kapalit ng isang boto - drugs na! Naks naman! Ibig sabihin ba n'yan umaasenso na ang sistema ng dayaan sa botohan dito sa atin? Bukod pa d'yan, magpapahuli ba naman ang ating "kapamilya system"? The rule is plain simple. Kapag nasiyasat mo (hanggang sa kung saang level ng consanguinity na naabot ng pag-iisip mo) na kamag-anak mo ang isang kandidato, iyong kandidato na 'yon dapat (?) ang suportahan at iboto mo. At kapag hindi mo ito ginawa, matatawag kang isang traydor. Hmmm...nice one! Parang mga langgam lang pala tayo kung ganon. May mga itim. May mga pula. Kung ano ang kulay mo, nandoon ka dapat. Kaya naging norm na sa ibang mga kumakandidato na i-print sa mga posters nila ang kumpletong pangalan nila. First name. Middle name. Surname. Kumpleto lahat ng sangkap. Kung pwede nga lang sanang isama pati mga apelyido ng mga taong pwedeng iugnay sa kanila, baka ginawa na nila. At idagdagan pa natin ang bait-baitan effect. Ang saya. Daming friends. Buong neighborhood. Dami pang gifts. Tinalo pa ang FarmVille.

26.10.10

Ano Naman 'to?

Teka muna. Bago mo basahin ang unang post ng blog na ito, baybayin mo muna ang buong page at pumili ka ng pixel. Oo. Pumili ka ng pixel. Kahit alin, kahit anong kulay, kahit saan dito. Oh? OK na ba? Sige. Mag-assume tayo. Paano kung ang pixel na napili mo ay ikaw? Ang liit ano? Maliit pa sa period. Dapat nga mas maliit pa eh, dahil ang webpage na tinititigan mo ngayon - ito ang mundong ginagalawan mo. (Wow naman! Ano daw?) Kung titingnan natin ang kabuuan, may contribution ba 'yang napili mong pixel sa webpage na ito? Kung tatanggalin natin ang pixel mo, may mababago ba? Siguro....meron din naman. 'Yon ay kapag ini-screenshot natin ang webpage na ito at ini-magnify natin sa Photoshop. At kung ganoon ka ka-curious at ka-uto-uto na ginawa mo ang nabasa mo at nakita mo ang epekto ng tinanggal na pixel, mapapatunayan mong meron ngang nabago. Naku! Parang tanga lang. Wait lang, 'wag ka muna mag-panic! Assuming nga lang eh!

Kung nakarating ka na sa puntong ito, malamang naka-recover ka na sa assumption natin kanina.