20.11.10

Cinema Buddies

Phew! Halos buong araw ko yatang kinukumbinsi ang mga B.I. kong friends (ay nilaglag) na samahan akong manood ng movie sa halip na magnomo. At ang pinipilit kong movie? Drum roll please...Megamind. Nyek! Pambata. Mapapalitan na kasi ito ng Harry Potter and the Mahiwagang Bibe...este Deathly Hallows pala. Buti naman at gumagana pa rin ang aking charm at napapayag ko sila. Enjoy naman kami. At habang nanonood, marami rin akong nakilala sa loob ng sinehan. Heto ang ilan:


Babala: Ang susunod n'yong mababasa ay korni..........KORNI!

  • Ang Ilaw ng Tahanan. Siya 'yong may hawak ng flashlight para maiwasan ang mga 'natisod moments'. Pero minsan hindi pa rin 'yan naiiwasan.
  • The Wallflower. Ayos ang isang 'to. Ideal na kasama sa panonood ng sine kasi hindi s'ya iimik mula sa puntong magsimula ang pelikula. Parang hindi mo rin kasama. Makakausap mo lang s'ya kapag lumabas na ang mga salitang "The End" o kaya naman kapag nakita n'yang nagpapangalan (credits) na. Sa puntong ganyan, kadalasan expired na ang laway n'ya.
  • Ang Chikadora. Hindi ko masabi kung bumili s'ya ng tiket para manood ng movie o para lang dumayo sa mas comfortable na lugar para makipagtsikahan. Mas magre-register sa tenga mo ang boses nila kaysa sound effects ng pinapanood mo. Sila nga yata ang dahilan kung bakit bawal ang deadly weapons sa loob.
  • Ang Bingi. "Ano daw ang sabi?" Sana nag-ipon na lang 'to ng pambili ng hearing aid.
  • Ang Slow. "Ano daw nangyari? 'Di ko na-gets." Kasamahan 'to ng nasa taas. Wala kang ibang option kundi ang mag-explain ng mga naganap. Sana lang may remote control sa loob para pwedeng mag-rewind at sana walang importanteng mangyari sa story habang nagdi-discuss ka.
  • The Muncher. Hindi s'ya kumakain habang nanonood. Nanonood s'ya habang kumakain. Ay! May pinagkaiba ba? Meron yata. Wala pala. Meron nga! Final answer na! Pramis!
  • The Dark Guy. Siya 'yong nasa KKK (Kasuluk-sulukan Kadilim-diliman Kanto ng sinehan). Mapapansin mo lang siya kapag light ang kulay ng shirt n'ya. Ano kayang ginagawa n'ya sa KKK? Hmmm...sikret!
  • Ay, Bano. Sa kanila mo makikinig ang mga katagang: "Huwaw! Ang laki ng TV dito Itay!".
  • Ang Kampanerang Kuba. Naks! Si Ankurtis ba 'to? Eeeeh! Mali. Sila lang naman ang mga taong payuko-yuko habang dumadaan sa harap. Feeling naman nila ang tatangkad nila para mahagip sila ng ilaw na ibinubuga ng projector.
  • The Guy with the Iron Underarm. Ito naman ang mga namimirata. Marami akong nakikitang ganito. Talented! Hindi nangangalay sa paghawak ng videocam. Ano kayang vitamins nila? Nagtataka lang ako kung nabudol-budol nila si manong guard o kung close lang talaga sila.
  • The Advantage Taker. Hindi sila focus sa movie. Pumasok sila sa sinehan para gawin ang kanilang plano. Sikret ulit!
  • The Repeater. Hindi ko rin alam kung hindi nila na-gets 'yong pelikula sa unang panonood o kung wala lang silang magawa sa pera nila. Pero siguradong hindi sila 'yong nasa Plants Vs. Zombies.
  • The Needleman. Naman! Bagong word. 'Yan ang tawag ko sa mga nababalitang nanunusok ng karayom sa loob ng sinehan para i-share at ikalat sa madlang people ang kanilang sakit. Freaky! Sa tuwing nagdadalawang-isip ako kung manonood ako ng sine o hindi, sila na lang ang iniisip ko (para makatipid).

Mula sa korning bolpen ni:

No comments:

Post a Comment