14.11.10

Bulilit Kulitans

Weekend. Wala akong magawa sa bahay kaya pinili ko na lang makipag-bonding sa pamangkin ko sa pinsan. Makulit. Matanong. Madaldal. Ayos! Okey 'tong bulilit na 'to. Malaki ang tyansang hindi boring ang araw ko.



Sa restaurant...

Tinuro ni bulilit ang gustong kainin sa isang fastfood restaurant na s'ya ang pumili. At syempre hindi nawala sa order ang laruang kulay asul na kung tawagin ay si Megamind. Binuksan agad ni bulilit ang laruan, sininghot-singhot ang pakete at hinigop ng cute n'yang ilong ang simoy ng bagong laruan. Naman! Bulilit version ba ito ng rugby? Ayos lang sa'kin. Ganyan din ako dati. Hehe.

Bulilit: Kuya busog pa po pala ako.

Takteng bata! Laruan lang ang habol. Pinilit kong pakainin. Sumubo ng dalawang haba ng piniritong patatas at hinigop ang ilang hibla ng ispageti. Pagkalumod...

Bulilit: 'Yoko na! Di talap.

Ako na lang ang kumain. Hay! Ano pa nga ba? Lumabas na kami at naglakad-lakad hanggang mapatapat sa isa pang kainan. Naaninag ni bulilit ang mga stuffed toys na naka-display sa loob kasama ng isang pulang bubuyog na malaki ang pwet.

Bulilit: Kuya sakit ng tiyan ko. Gutom na yata ako.

---

Sa gitna ng mall...

Mapayapa kaming naglalakad nang biglang inabala kami ng isang saleslady.

Saleslady: Sir, remote controlled cars po. Baka gusto ni pogi. (Hanggang ngayon nalilito pa rin ako kung ako ba ang tinutukoy n'ya o si bulilit.)
Bulilit: Pangit po. Meron na ako n'yan. Mas maganda. (Sabay tutok ng nguso n'ya sa tindera.)
Saleslady: Na-tumbling 'to!
Bulilit: Ay, pangit po!
Saleslady: Umiilaw pa ang gulong oh! Iba't iba ang colors.
Bulilit: Pangit pa rin!
Saleslady: Tapos 'pag pinindot mo ito. (turo sa isang button) Oh! Ang galing ano? Bagong labas lang po ito sir.
Bulilit: Pangit nga po! PANGIT!
Saleslady: Malayo ang naaabot nito kaya kahit nasa malayong distansya ka, nako-control mo pa rin. (Hindi pa rin nasisindak. Hay!)
Bulilit: Ayoko nga po!

Humarap sa'kin si bulilit at bumulong.

Bulilit: Kuya, bilhin mo na.

Nagtagumpay pa nga si Ate.

---

Sa lugawan...

Bulilit: (habang nakatitig sa menu) Ano pong pinagkaiba ng lugaw at arroz? (with pa-cute eyes)
Waiter: 'Yong arroz eh lugaw din na may kasamang manok. (Smile!)
Bulilit: Buhay pa po 'yong manok? (seryoso)
Waiter: (pinipigil ang pagtawa - parang utot) Dedbol na. Pwede mo nang kainin kalahok ng lugaw.
Bulilit: Ahh...
Waiter: Ano nang oorderin mo?
Bulilit: Arroz na lang po na walang manok.

---

Sa ihaw-ihawan...

Habang naghihintay ng pagpula ng traffic lights, na-attract si bulilit sa mapang-akit na amoy ng iniihaw na street foods. Hinila n'ya ako palapit at nagmasid sa mga nakahanay na mga tuhog-tuhog.

Bulilit: Ate, ano po itong square-square na black?
Tindera: Betamax.
Bulilit: (clueless)
Tindera: Dugo 'yan ng manok. Ginawa lang square. (trip lang?)
Bulilit: Ew! Gross!

---

Sa public CR...

Narinig kong parang may binabasa si bulilit sa loob ng cubicle.

Bulilit: Aaang saah-rap...naah-kaah 2 aah-kohng puuh-tohk.

Inisip ko muna sandali ang mga sinabi n'ya at matapos kong magmuni-muni, naintindihan ko rin. Kinabahan na ako. Pumasok ako sa cubicle at nakita ko ang binabasa ni bulilit sa dingding ng cubicle. May bonus pang drawing ng babaeng parang palaka ang posisyon.

Bulilit: Kuya, ano daw 'yong putok?

Naku! Ito na nga ang kinatatakutan ko. Hindi ako magkamayaw kung ano ang isasagot ko. At may bigla na lang pumasok sa isip ko. Light bulb! (Nahawa yata ako ni Gru sa Despicable Me. Hehe.)

Putok. 'Yan 'yong tinapay. Putok ang pangalan. Baka may kung sinong napagtripang kumain ng dalawang tinapay dito sa loob ng cubicle habang nagpapakawala ng atomic bombs. (Masaya nga naman 'yon. Dagdag-bawas ang drama.) Tapos gusto lang siguro n'yang i-share ang nakakagana n'yang food trip kaya sinulat na lang n'ya. 

Mukha namang convinced ang bulilit. Yesss! Akala ko nagtagumpay na ako na itago sa kanya ang karumal-dumal na katotohanan pero bigla siyang nagsalita.

Bulilit: Ahhh! Akala ko naman may nag-masturbate.

Omaymomay! Natigilan ako.

2 comments:

  1. nyahahaha.. parang pinsan ko... wahehehe

    ReplyDelete
  2. gusto ko yung sa sales lady :) hangkiyuuuuttt!

    ReplyDelete