31.10.10

Trick or Treat?

Happy Halloween! Kasali ka ba sa cosplay? Anong costume mo? Kung naranasan mo nang may kumatok na bata sa pinto ng inyong bahay at nagtanong ng "Trick or Treat?", masasabing kong maswerte ka. Mas maswerte ka kung naranasan mong magsuot ng costume at kumatok sa bawat bahay para mangolekta ng candies at chocolates noong bata ka pa. Dahil hindi lahat naranasan yan. Dahil maraming walang pambili ng pagkain at iba pang necessities. Halloween costume pa kaya?


Pumunta ka sa isang ordinaryong community at katukin mo ang bawat bahay. "Trick or treat?" Mabibilang mo lang sa mga daliri mo ang mga taong makakintindi sa tinanong mo. At posible pa na...wala. Bakit? Kadalasan kasi, hindi uso ang "trick or treat" sa mga taong simple lang ang pamumuhay. Basta kapag Halloween season, mas maraming makaka-relate kapag binaggit mo ang mga salitang "araw ng mga santo", "araw ng mga patay", "Undas", at pati na rin ang salitang "Inuman" dahil sa Oktoberfest.

Nasubukan mo na bang piliin ang "Trick" kapag may nagtanong sayo ng "Trick or Treat"? Ganyan ang gawain ng mga nakalimutang bumili ng candies. Wala namang mawawala. Nakasimangot lang na aalis ang batang nagtanong sayo, sabay magsasabi ng isang sumpa: "Kuripot!".

Sa isang lugar na tinirahan namin, sikat ka na kapag may nakakatakot kang maskara. Dahil sa lugar na iyon, simple lang ang mga maskara. Iyong mga tipong five to twenty pesos lang ang range ng presyo. Gawa lang sa papel o kaya sa matigas na plastik. Kaya kung magdadala ka ng isang maskara na mukhang totoo. Sigurado, instant super star ka.

Sabagay sa panahon ngayon, madami na ang nakasuot ng maskara. Kahit hindi Halloween. Trick or treat?

No comments:

Post a Comment