Kung nakarating ka na sa puntong ito, malamang naka-recover ka na sa assumption natin kanina.
Mas convenient talagang pagmasdan na lang natin ang kabuuan ng lahat. Mas maraming nakikita ang nasa labas pero mas mararamdaman mo ang isang bagay kung nasa loob ka. Naguguluhan ka na ba? Pagmasdan mo ang sarili mo sa salamin. Ang ganda ng itsura mo 'no? Pero kapag may naramdaman kang mali, try mong i-magnify lahat. Baka sakaling makita mo kung nasaan ang kulang. Kung nabaybay mo na lahat at wala ka pa ring nakita sa huli, at least mas nakita mo kung sino ka talaga. Mahirap ano? Ikaw pa lang 'yan, paano pa kaya ang kabuuan?
Siguro sa pagtingin mo, meron kang nakita. Siguro sa pakikinig mo, merong nag-register sa mga tenga mo. At siguro sa pagmamasid mo, meron kang napansin. Pero ang matinding tanong: May ginawa ka ba?
Ano ang gusto kong iparating sa makakabasa nito? Actually...hindi ko rin alam! Sarili mo lang ang makakaalam kung ano, kapag napatapat na sa huling tuldok ng post na ito ang mga mata mo. Kung wala kang naintindihan, OK lang 'yan. Kung wala kang naintindihan at wala kang na-realize kahit konti lang, maswerte ka! At kung patuloy ka pa din sa pagbabasa ng post na ito, malapit ka nang matapos. Dahil ito na ang katapusan ng introduction? Nye, intro pa lang pala? Oo, introduction pa lang itong nabasa mo. Pero 'wag ka nang maghanap pa ng continuation dahil kung ano man ang iniisip mo, 'yon na 'yon. And as promised, heto na ang huling tuldok.
No comments:
Post a Comment