
31.10.10
Trick or Treat?

30.10.10
The Real Scam Behind 'Power Balance' ?
Last quarter ng 2009 umugong ang mga usap-usapan tungkol sa isang bracelet na nagpapalakas (daw) ng natural energy ng isang taong magsusuot nito dahil sa hologram na nakakabit dito. Kung gusto mo pa ng ibang impormasyon, i-Google mo na lang. May mga naniwala base na rin sa mga tests na ginawa nila. At meron din namang mga taong hindi nagpapaapekto at matatag na naniniwalang panloloko lang ang bracelet na ito. Pero kung inaakala mo na gumawa ako ng post na ito para sabihin ang opinyon ko tungkol sa isyu, nagkakamali ka. Kung totoo man o hindi ang sinasabing epekto ng Power Balance, bahala na sila. Bahala na kayo.
So kung mananahimik ako sa isyu ng Power Balance, siguro itatanong mo kung para saan pa ang post na ito. Ang sagot: piracy! Kung bibisitahin mo ang official website ng Power Balance at titingnan ang mga presyo ng kanilang mga produkto, mapapansin mong ang isang bracelet ay nagkakahalaga ng kulang-kulang $30. Pwede kang umorder sa kanila, at pwede ka din namang maghanap ng online seller sa Facebook na nagtitinda ng parehong bracelet. Ang standard price nila? P100! Pero kung mahilig kang maggala sa mga kalye, marahil napansin mo na meron ding mga ganitong produktong ibinebenta ang mga sidewalk vendors. Parehong-pareho. Iba't iba rin ang mga kulay. May mga kwintas din. Pati boxes gayang-gaya. At ang presyo? P50 lang! Grabe ang laki ng pagkakaiba. Kaya kung manloloko man ang mga gumawa ng Power Balance, may nanloloko din sa kanila - ang mga pirata.

28.10.10
Is This Part Of The Story?
Last weekend naisip kong mag-movie marathon. Iba't iba a ng pinanood ko. May tagalog films. May foreign. Kung ano ang available na hindi ko pa napapanood, 'yon na lang. Habang nanonood ako, may bigla akong napansin sa mga movies ng Pinoy. May advertisement?! Oo. OK lang naman na magkaroon ng konting product promotions sa kalagitnaan ng palabas, pero 'wag naman sana gawing masyadong obvious na parang may isiningit na TV ad sa istorya. 'Pag sa foreign films naman konting exposure lang ng brand name, OK na. 'Yong mga tipong iinom ng softdrinks 'yong bida sabay pakita sandali ng brand ng softdrinks o kaya naman mahahagip ng kamera ang billboard ng produkto sa isang setting ng pelikula. Ayun. Advertisement na 'yon. Pero hindi nakakaapekto sa pinapanood na pelikula. E, 'yong sa Pinoy kaya? Lantaran ang mga patalastas. Ang tagal pa kung minsan dahil nagpapaka-informative pa ang mga tauhan sa pelikula tungkol sa produktong isiningit sa storyline. Mapapaisip talaga ang mga manonood kung parte ba ng istorya ang napapanood nila o kung 'yong pelikula pa ba ang pinapanood nila. Ang mas masama pa n'yan, kadalasan hindi lang isang product advertisement ang isinisingit. Ikakalat lang sa buong movie at (presto!) solve na ang indirect advertisement. Cost-cutting ba ang mga movie producers at kailangan pa nilang i-emphasized ang mga ito? At kung hindi ka mahilig sa movies, buksan mo na lang ang TV mo at manood ng mga teleserye ng mga local channels. Mapapansin mo din ang sinasabi mo. Ganoon din ang istilo. Sige. Sabihin na nating part 'yon ng profit maximization nila. OK lang naman kung tutuusin pero kung minsan, nagiging annoying na. Lalo na kung medyo napapasobra na. Sayo OK lang ba?
27.10.10
Langgam, Bitter Ka?

26.10.10
Ano Naman 'to?
Teka muna. Bago mo basahin ang unang post ng blog na ito, baybayin mo muna ang buong page at pumili ka ng pixel. Oo. Pumili ka ng pixel. Kahit alin, kahit anong kulay, kahit saan dito. Oh? OK na ba? Sige. Mag-assume tayo. Paano kung ang pixel na napili mo ay ikaw? Ang liit ano? Maliit pa sa period. Dapat nga mas maliit pa eh, dahil ang webpage na tinititigan mo ngayon - ito ang mundong ginagalawan mo. (Wow naman! Ano daw?) Kung titingnan natin ang kabuuan, may contribution ba 'yang napili mong pixel sa webpage na ito? Kung tatanggalin natin ang pixel mo, may mababago ba? Siguro....meron din naman. 'Yon ay kapag ini-screenshot natin ang webpage na ito at ini-magnify natin sa Photoshop. At kung ganoon ka ka-curious at ka-uto-uto na ginawa mo ang nabasa mo at nakita mo ang epekto ng tinanggal na pixel, mapapatunayan mong meron ngang nabago. Naku! Parang tanga lang. Wait lang, 'wag ka muna mag-panic! Assuming nga lang eh!
Kung nakarating ka na sa puntong ito, malamang naka-recover ka na sa assumption natin kanina.
Kung nakarating ka na sa puntong ito, malamang naka-recover ka na sa assumption natin kanina.
Subscribe to:
Posts (Atom)