24.1.11

Ang SMP at Ang Bagong Hairstyle

Teka. Bago ka magbasa, gusto ko lang sabihin na medyo offensive ang post na ito.

Tinulak ko...Blag!!!

Nagtinginan ang mga tao sa loob. Napatungo ako at saka ko lang napansin ang mga karatulang nakasabit. "Welcome. We're open." at "PULL". As usual, dinaan ko na lang sa ngiti ang lahat. Nagsayawan at nag-umpugan ang mga nakabiting bakal ng wind chime sa pagbukas ko ng salaming pintuan.

Actually, first time kong magpagupit ng buhok sa isang salon. Nasanay ako sa mga barber shops d'yan lang sa tabi-tabi.

"Good evening, Sir."

May tatlong lalaki sa loob. Isang nagpapagupit at dalawang nakaupo lang sa waiting area at nakatitig sa kawalan. May tatlo ring babae. Sa suot nila, masasabi kong dito sila nagtatrabaho. Relax na relax lang sila na nakalupagi at nagtsitsismisan. Bukod sa mga nabanggit, walang ibang laman ang salon na 'yon kundi mga hair stylists - mahahaba ang buhok ng ilan, nakapuyod, naka-make-up, nakasuot ng damit pambabae. Lahat sila, bading.

"Haircut po."

Ikinumpas ng isa ang kanyang kamay na waring inaalok sa akin ang isang bakanteng upuan. Sa hitsura niya, masasabi kong nasa pagitan siya ng trenta at kwarenta. Lumapit ako. Umupo. Tinanong kung anong gupit ang gusto ko. At sinimulan na n'yang gamitin ang gunting sa kanyang kamay.

Naiingayan ako sa paligid. Nakakarinig ako ng maseselang mga salita. Bastos at hindi katanggap-tanggap sa pandinig ng ilan. Mga salitang kung sasambitin ko sa harap ng lola ko, plaster ang hahalik sa aking mga labi - at samahan pa ng ilang sumpa. Mga salitang mapapasama ang blog na ito sa +18 category kung sasabihin ko pa. At ilang pagpapalitan ng mga salitang hindi ko alam ang kahulugan. Sabi ko nga, sanay ako sa mga barbero. Magsasalita lang sila kung may bagong laban si Manny Pacquiao o kung may exciting na nangyayari sa pinapanood nila sa TV. Medyo, nabago ang mood ko sa mga naririnig ko. Gusto kong lumabas na lang ng tahimik para takasan ang lahat. Pero teka! Ayoko namang mag-ala model sa gitna ng kalsada na isang side pa lang ng ulo ko ang nagugupitan. Baka biglang makita ko si crush, mahirap na. At isa pa, ano bang ikaiinis ko. Wala naman, 'di ba? Wala nga ba dapat?

Kinakausap ako paminsan-minsan ng nagpapaiksi ng buhok ko. Sa kalagitnaan ng kanyang ginagawa, tinanong n'ya ako.

"Alam mo ba kung ano ang SMP, baby?"

Ayoko ng tawag n'ya sakin. Pero sa sinabi n'ya, naisip ko ang iced tea TV ad ni Neil Coleta. Na-imagine ko tuloy ang script na na-memorize ko na dahil palagi kong naririnig. Pero mali pala ako.

"Samahan ng Mga Paminta!"

Ano daw? Hindi ko na-gets. Buti may kadugsong na explanation.

"Mga nagro-robot-robotan. Ang popogi. Ang ma-macho. 'Yun pala churvalu! Nakakainis!"

Medyo na-gets ko ang ibig n'yang sabihin. Nakakainis. Pareho lang kaming naiinis. Siya sa mga tinatawag niyang paminta. At ako naman sa pagpasok ko sa salon na ito. Parehong hindi ko alam kung bakit.

***

Whooosh! Flashback.

"In a single word, ano ang ayaw n'yo sa mga bading?"

Maraming salita ang sumagot sa tanong ng professor ko. Maingay. Annoying. May sariling language. Teka hindi na 'to single word. Ahm...ano pa ba?

"Maingay din kayo 'di ba? Annoying din kayo kung minsan. Lahat ng characteristics nila ay characteristics n'yo rin. So, why discriminate?"

Natigilan ako sa sinabi n'ya. "Why discriminate?" Ewan ko. Siguro kasi 'yon na ang nakasanayan. Nadadala lang tayo ng malakas na agos ng ilog. Kasama ako. Pero bigla na lang akong napasabit sa bato ng ilog na 'yon at (Presto Creams!) ginawa ko ang post na ito. Hehe.

***

Whooosh! Mas malayong flashback!

Minsan ko na ring naramdamang ma-discriminate. Nasa elementary pa ako noon. Pinakisuyo ng tiyahin ko na ihatid ko ang isang bagay sa kapit-bahay namin. Sumunod naman ako. Pink na lalagyan 'yon. Nang makita ng mga kaibigan ko, binuksan nila. At tumambad sa kanilang mga mata ang iba't ibang kulay ng pangpintura sa kuko. Bukod pa d'yan, nabigkas ko ng tama ang salitang "mascara". Alam ko lang e panglagay 'yon ng mga babae sa mata na hindi ko naman alam kung bakit. Inakala nilang bading ako. Ilang araw ding hindi nila ako pinasali sa pang-araw-araw na tumbang-preso at tagu-taguan. Wala akong magawa kundi manood na lang ng Doraemon. Naiinis ako. Hindi sa nangyari kundi sa pag-iisip nila. Ang alam kong definition ng bading ay lalaking may gusto sa kapwa lalaki. 'Yun lang! Simpleng-simple! Ang bababaw nila. Sobrang babaw. Pero sandali lang ang nakalipas, nakalimutan na nila ang pink na lalagyan. At na-realize nila na mas pogi ako sa kanila. (Insert evil laugh here.)

Mas okey pa nga na ma-discriminate dahil sa kulay ng balat. May papaya soap at glutathione naman. E kapag na-discriminate dahil sa pagkatao, ang hirap siguro. Mahirap maghanap ng cure na over-the-counter. Baka nga wala pa.

***

Whooosh! Mas malayo pa sa mas malayong flashback! Last na 'to. Peksman.

Nanonood kami noon ng sinusubaybayan naming palabas sa hapon - Lupin III. As usual, kasama ko ang kabarkada kong araw-araw dinadayo ang chicharon namin sa ref. Nang araw na 'yon, may sinapak s'yang isang bading sa school. Bigla na lang s'yang nagsalita habang commercial break at may chicharon pa sa bibig.

"Bakit kaya nagpapakabading ang mga bading? Pwede namang lalaki na lang sila, 'di ba? Ayaw ba nila ng normal na buhay? Ayaw ba nila sa babae?"

Takte! Nosebleed ako. Sinapian yata ng ermitanyo ang kaibigan ko. Wala akong naisagot. Malay ko ba! Buti na lang nag-resume na ang palabas sa TV. At hindi na ulit nabuksan ang topic.

Ewan ko. 'Yan lang ang pumasok sa isip ko ng mga oras na 'yon. Kung dilaw ang mga SImpsons, sila naman pink. Kahit siguro patungan ng ibang pintura, lalabas at lalabas pa rin ang kulay pink. Pinturang tunay. Pinturang hindi katanggap-tanggap sa paningin ng ilan. Well, sa dami ng mga dapat problemahin sa buhay, hindi ko na balak isiksik ang buhay ng ibang tao.

***

Pooot! (Hindi 'yan sound ng utot. For God's sake!) Balik sa salon.

Naisipan kong ilabas ang cellphone ko at makinig na lang ng music para matakpan ang mga sinasabi nila. Na-realize ko na lang na hindi ko pala dala ang earphone ko. Malas.

"Baby, can I have your number?"

Hala lagot! Anong sasabihin kong excuse? Wala akong maisip. Hanggang nakita ko na lang sa salamin na umiiling ako. How rude! C'mon rude boy boy... Ayokong maging rude. Pinipilit kong maging nice guy sa lahat. Isa 'yan sa New Year's resolution ko. Pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ako prepared. Ngumiti lang naman s'ya. Parang ayos lang.

"Anong pangalan mo, Baby?"

Carlo. Hindi 'yan ang tunay kong pangalan pero 'yan palagi ang lumalabas sa bibig ko sa tuwing hindi ko gustong i-share kahit ang maganda kong pangalan sa ibang tao. Una kong ginamit ang pangalan na 'yan noong nasa highschool pa lang ako. Pangalan lang 'yan ng isang bida sa nabasa kong libro.

"Carlo, nagustuhan mo ba ang gupit ko sa'yo?"

Sabay lagay ng kanyang mga braso sa paligid ng aking leeg. Parang may nagbabangayan na mga Senador sa loob ng tiyan ko. Parehong pakiramdam nung napanood ko ang All My Life ni Ate Vi at nakita kong naghalikan sina "Biogesic Boy" at "Lucky". Gusto ko nang umalis. ASAP! May iniabot s'yang calling card. Tinanggap ko at tinitigan sandali para hindi ako magmukhang bastos.

Lumabas ako. Nang malampasan ko ang ilang bloke, nakakita ako ng isang basurahan at SHOOT! Kasama na ng mga nabubulok na balat ng saging ang card. Let's get this straight. Wala akong galit sa mga bading. Hindi lang talaga ako interesado. Actually, hinahangaan ko sila...ang tapang nila. Tapang na ipakita sa lahat kung sino sila. Kahit may ilang tututol at eepal.

***

"Wow! New hairstyle. Buhay pa ang naggupit?"

"Kalilibing lang kanina. Dapat pumunta ka. Libre ang biskwit. May Zesto pa!"

Joke lang 'yun. Gusto ko lang makita ang ngiti ng crush ko. Nakita ko naman. Yey! Ang totoo na-trauma ako sa salon na 'yun.

***

Sabi nga ng isang kinakating nag-comment sa YouTube, "Kung ayaw mong kainisan, 'wag kang magbigay ng dahilan." Sabi ko nga, nababasa mo ngayon ang post na ito dahil napasabit lang ako sa isang bato sa ilog. Pero sa lakas ng rumaragasang tubig, nadala ulit ako ng agos. At patuloy na madadala. Hanggang katapusan? Hmmm...ewan.

Kung na-offend ka, pasensya. Pasensya na talaga. Peace!

8 comments:

  1. lagot ka at maraming magagalit sa iyo. ihanda mo na ang mga pang magic ward mo at circle of protection

    ReplyDelete
  2. hahaha malawakang flashback o.. waheheh ayan magcloak ka na...

    ReplyDelete
  3. sorry naman at napagkamalan kang bading dahil sa pink na box na dala mo na may lamang kutix... napaisip din ako sa mga salita ng kaibigan mo patungkol sa bakit nga ba ayaw ng bading maging lalake.. kung tutuusin kung lalake ako... gusto ko nga naman ng babae... ngayon naiisip ko na bisexual ako..

    anyway... hmmmm.. pero marami akong kilalang bading na hindi naman nagccross dressing..nakalabas sila pero anyong lalake pa rin sila...

    dapat sinugest mo sa nag gupit sayo na baka mawalan sila ng customer sa ginagawa nila..wahehe.

    ReplyDelete
  4. @Jinjiruks
    naghanda na rin ako ng nimbus 2000 kung sakali man :)

    @KikomaxXx
    todotodo na nga ang flashback na 'yan. haha

    @Kamila
    well, nawalan na sila. haha. salamat sa comment. :)

    ReplyDelete
  5. lol...
    Pare salamat nga pala sa pagbisita mo sa site ko...follow din kita...

    ReplyDelete
  6. hahahaha.. Nakaka asar naman yun..

    ReplyDelete
  7. @tim
    yes! may kakampi na ako. haha
    salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete