23.12.10

To Be Continued...

sa may bahay
ang aming bati
meri krismas
nawawalhati
ang pag-ibig
pag syang naghari
araw-araw ay magiging pasko lagi
ang sanhi po ng pagparito
hihingi po ng aguinaldo
kung sakaling kami'y purwisyo
pasensya na't kami'y namamasko

we wish you a meri krismas
we wish you a meri krismas
we wish you a meri krismas
and a hapi new yir

kay sigla ng gabi ang lahat ay kay saya
nagluto ang ate ng manok na tinola
sa bahay ng kuya ay merong pichunan pa
ang bawat tahana'y may handang iba't iba
tayo na giliw
magsaliw na tayo
meron na tayong
tinapay at keso
lebanoche buena sa gabing ito
at bukas ay araw ng pasko

Ito nga pala ang set list ng nangaroling kanina. Walang silang pinupukpok na mga lata ng gatas. Hindi rin sila nag-effort magpitpit ng mga tansan ng coke. In short, wala silang dalang improvised instruments. Dinaan na lang sa talent - beatbox na sinabayan ng pumapaltos na lyrics. Buti na lang hindi ito Singing Bee.

Natapos ang mga kanta. Naubusan na. Binuksan ko ang pinto. Sabay sigaw ng: "Wala dito sina Mama. Nasa simbahan pa."

Akala ko nakaligtas na ang mga barya namin sa fountain.

"Sige! Babalik na lang kami mamaya."

---

Blzzzt! Tunog na likha ng huling kuryenteng nagmula sa kanyang mga kamay. Nagdilim. Matagal-tagal din. At biglang lumabas ang ilang eksenang pampelikula. May nagsakripisyo. May natapos ang buhay. May namaalam. May napapunta sa isang lugar na walang nakakaalam. May nawalan ng pag-asa. At may lumaban para sa kung ano sa tingin n'ya ang tama. Sa hinaba-haba ng kanyang pakikipaglaban, siya ay nabigo. Naglaho ang kanyang mga pangako - sa minamahal at sa tungkulin. Ngunit naipasa niya ang dangal at pangarap sa isang taong nagngangalang...Cloud.

Charan! Natapos ko na ang nilalaro kong maghapon at magdamag. (Oh yeah!) Sarap ng feeling! Ngayon alam ko na kung bakit nagalit si Cloud kay Sephiroth. (Share lang.)

Pagkatapos ng mini movie, nagrolyo na ang credits. Hating-gabi na. Bumibigat na ang mga pilik-mata ko pero kailangan ko pang i-save ang laro. Kailangan kong matapos ang pagkahaba-habang listahan ng mga pangalan para mai-save ang lahat.

At sa wakas! Parang ilang dekada ang nawala sa buhay ko nang marating ko ang dulo ng napakahabang listahan. Nagdilim ulit. At biglang sumulpot ang mga katagang hindi ko inaasahan.

"To be continued."










4 comments:

  1. hahaha.. natawa ako... parang ako lang noong bata pa.. nyaks... merry christmas tol

    ReplyDelete
  2. salamat sa pagfollow chong. happy new year!

    ReplyDelete