21.12.10

Huling Pantasya

Ito ang mga naganap sa istorya ng buhay ko kahapon bilang isang patatas sa sofa:

8:15am - Kagigising lang. Kain ng almusal.

8:30am - Higa ulit. (Walang pasok, e.) PSP mode.

12:30pm - Tanghalian. Medyo natagalan dahil sa nagpapansin na tinik ng isda na nakisiksik sa mga ngipin ko.

1:10pm - Balik sa PSP mode.

3:30pm - Merienda (habang naglalaro ng PSP). O ha! Multi-tasking.

5:45pm - Binigyan ako ni mudra ng babala: "Itigil mo na 'yang pagtitig sa PSP at nalubog ang araw. Masisira ang mata mo.". Hindi naman siya nakapagbigay ng scientific explanation na hinihingi ko kaya tuluy-tuloy pa rin ako sa paglalaro.

7:00pm - Dinner.

7:15pm - Back to the game. Phew!

8:00pm - Nagsimba ang lahat habang ako 'yong naiwan...kasi bawal daw akong maligo...kasi nangalay daw ang mga mata ko maghapon...dahil sa PSP.

9:30pm - Nakalimutan ko ang mga teleserye...uhm dahil sa PSP.

11:00pm - Dinalaw ako ni Kris Aquino. Teka, mali! Dinalaw ako ng antok...habang naglalaro ng (err...) PSP.

Ayan! Kumpleto ang cycle ng buong araw ko. Actually, hindi naman ako adik (very light lang (weh?)). Na-wiling-willie lang ako sa isang laro na ngayon ko lang na-try - Crisis Core Final Fantasy. Nasanay kasi ako sa FF games ng Gameboy (na hindi ko matapus-tapos dahil tinatamad akong magpataas ng level) kaya ichapwera ko 'to. At ngayon, nakikinita ko na na hindi matatahimik ang gorgeous kong kaluluwa hanggang hindi ko natatapos ang larong 'to.

Good luck to me! :)





4 comments:

  1. waw adik s Crisis Core hahaha

    ganyan din ako nung nilaro ko yan XDDD

    First PSP game n natapos ko ;)

    ReplyDelete
  2. haha...nakakaadik kasi.
    pinanood ko pa yung FF movie after kong matapos itong laro.
    salamat sa pagkoment. :)

    ReplyDelete
  3. tama! ^_^

    masarap pa magpalevel up XD

    laruin mo rin ung Dissidia Final Fantasy ;)

    ReplyDelete
  4. nalaro ko na ung dissidia...hindi ko lang natapos kasi may umepal na virus sa psp. haha. nawala ung saved files kaya tinamad na akong ulitin from square one. :)

    ReplyDelete