9.1.11

Babala

parang may mali...

Happy New Year nga pala! Sa sobrang hectic ng sched ko e, 9 days akong na-late sa pagbati.

Bisperas noon ng bagong taon. May nakita akong isang maliit na kahon malapit sa mga tumpok ng bermudang paboritong ebakan ng mga aso namin. Nilapitan ko. At base sa mga itsura, na-realize kong kahon ito ng paboritong paputok ng mga bata.


Easy-to-use na, mura pa! Sa murang halaga, pwede na silang mag-feeling na sila 'yong mga nagbabarilan sa paboritong computer game. Minsan nga naghahagis sila ng paputok sa loob ng pabilog na kanal. Sabay sigaw ng: "Payr inda hool!" BOOM!

Takot ako sa paputok. Takot akong magpaputok. Teka, ganito na lang: takot akong maputukan. Ayun, tumpak! Kaya nang nakita ko ang echoserong kahon ng paputok sa loob ng aming bakuran, may naramdaman akong droplets ng kaba. Sinipat-sipat. Sinundot ng mahabang patpat. Pinitik-pitik. At nang masigurado kong walang laman ang kahon, masaya ko itong dinampot dahil safe na ang magaganda kong mga daliri. Pinagmasdan ko ang detalye ng kahon. Binaliktad. Binasa ang isang maikling mensaheng nagmimistulang isang babala. Napa-isip. At natawa.

Kating-kati akong i-blog ito noong kasagsagan ng celebration ng pagpasok ng 2011, pero hindi ko maisingit ang blogger sa pagre-review ko para sa aming major major subject. Naki-extra pa ang lagnat. Kaya inilagay ko na lang ang nakakaintrigang kahon sa tabi ng monitor at kinunan ng picture gamit ang lumang cellphone para makasigurado kahit maitapon ang kahon. Sorry nga pala sa malabong picture. Tapihol pa!





2 comments:

  1. parang kahit tagalog ang nakasulat hindi ko naintindihan..sobrang late ka na.. happy new year! hahaah lol

    ReplyDelete
  2. Thanks din sa pagpalow. Masarap kaya magpaputok, yung maputukan di ko pa maxado maapreciate :) hehehe. thanks ulit. mwah mwah:)

    ReplyDelete