23.12.10

To Be Continued...

sa may bahay
ang aming bati
meri krismas
nawawalhati
ang pag-ibig
pag syang naghari
araw-araw ay magiging pasko lagi
ang sanhi po ng pagparito
hihingi po ng aguinaldo
kung sakaling kami'y purwisyo
pasensya na't kami'y namamasko

we wish you a meri krismas
we wish you a meri krismas
we wish you a meri krismas
and a hapi new yir

kay sigla ng gabi ang lahat ay kay saya
nagluto ang ate ng manok na tinola
sa bahay ng kuya ay merong pichunan pa
ang bawat tahana'y may handang iba't iba
tayo na giliw
magsaliw na tayo
meron na tayong
tinapay at keso
lebanoche buena sa gabing ito
at bukas ay araw ng pasko

Ito nga pala ang set list ng nangaroling kanina. Walang silang pinupukpok na mga lata ng gatas. Hindi rin sila nag-effort magpitpit ng mga tansan ng coke. In short, wala silang dalang improvised instruments. Dinaan na lang sa talent - beatbox na sinabayan ng pumapaltos na lyrics. Buti na lang hindi ito Singing Bee.

21.12.10

Huling Pantasya

Ito ang mga naganap sa istorya ng buhay ko kahapon bilang isang patatas sa sofa:

8:15am - Kagigising lang. Kain ng almusal.

8:30am - Higa ulit. (Walang pasok, e.) PSP mode.

12:30pm - Tanghalian. Medyo natagalan dahil sa nagpapansin na tinik ng isda na nakisiksik sa mga ngipin ko.

1:10pm - Balik sa PSP mode.

3:30pm - Merienda (habang naglalaro ng PSP). O ha! Multi-tasking.

5:45pm - Binigyan ako ni mudra ng babala: "Itigil mo na 'yang pagtitig sa PSP at nalubog ang araw. Masisira ang mata mo.". Hindi naman siya nakapagbigay ng scientific explanation na hinihingi ko kaya tuluy-tuloy pa rin ako sa paglalaro.

19.12.10

Ampon?

Dalawang linggo. Huling nakatikim ang blog na ito ng bagong post dalawang linggo na ang nakakaraan. Dalawang linggo na mula nang gumawa ako ng isang poll. Dahil feel na feel ko naman na malakas ako kay Papa God, hinayaan Niyang mauto ko ang dalawang tao na makilahok sa poll. (Tenkyu nga pala!) Pero naging mahirap pa rin ang kinalabasan. 50/50. Anak ng Tanging Ina! Pero kahit ganon I love you pa rin, Papa God!

Kaya naman naisipan kong magpalit ng banner. Christmas theme ang binabalak kong gawin pero ganyan ang kinalabasan dahil sa kung anu-anong natuklasan ko sa potosyap. Ayan tuloy, napa-OA. At halata namang hindi ko sinukat.

Sa dalawang linggo ng aking pananahimik ay titirisin ko na ang kutong matagal nang nag-aalay-lakad sa ulo ko. Nagsimula ito sa isang pageant na tawagin na lang nating Mr. & Ms. Churva.